HURRAY FOR FRIENDSHIP!!!
hehehe...
ok, first of all i just wanna say sorry for not updating my blogs. <as if naman may nagbabasa nito noh! haha!!> masyado kasi akong naging busy this past few weeks eh... so many things to do like sleeping, eating, sleeping, surfing the net, sleeping, reading, sleeping, going out with my friends, sleeping, watching t.v., sleeping, sleeping, sleeping some more, oh and did i mention sleeping?... hehe! hmmmm... napakaproductive pala nang sembreak ko! wahahahaha!!... second of all, <wrong grammar?! haha!> this blog is gonna be a long one... babawi ako eh! haha!.. kaya good luck na lang sa magbabasa nito!

i've been doing a lot of packing this sembreak... yup! lots of packing to do! i don't wanna forget something <baka masermonan ako nang aking madir kapag may nakalimutan ako eh!>... all this packing is really getting on my nerves!... saan ba naggagaling itong mga gamit na ito??! bakit parang nagmultiply to 10 times ang mga damit ko?? very mysterious huh!... kasi kapag aalis ako palagi akong walang maisuot! pero ngayon bigla nalang sila nagsulputan na parang kabute! <bakit kaya kapag may hinanap ka hindi mo makita? pero kapag hindi mo hinahanap palagi nalang nandyan sa paningin mo?! hhhmmmm... nakapagtataka...>
anyway, gusto ko lang naman ilabas sa publiko <publiko? anong publiko? eh iisa nga lang ang mambabasa mo noh!> ang aking saloobin... haha!... ang pangit! hehe..
I HAVE THE GREATEST GROUP OF FRIENDS IN THE ENTIRE WORLD!!!
no kidding!... sobrang na-touch talaga ako sa ginawa ng mga friends ko kahapon... muntik na nga akong maiyak eh <pero pinigilan ko lang.. hehe!>... ganito kasi yung nangyari...
my super friend loulet <fries!> called me last monday to ask me to accompany her to our friend jaicom's house on friday... may ibibigay daw kasi siya kay jaicom... nung una sabi ko "ayowkow!" <hehe.. papa SAM!... cute niya talaga!> kasi tinatamad ako lumabas ng bahay, pero kinunsensya niya ako na pumunta kasi daw aalis na naman daw ako eh, tsaka manonood daw kami ng dvd ng "corpse bride" kila jaicom... eh since nakunsensya nga ako, pumayag ako. <pero ang totoo gusto ko lang talaga manood ng "corpse bride" nun! haha!>

friday... around 10 in the morning <teka, morning pa ba yun?!... morning pa yun... tulog pa ako nung mga oras na yun eh!> nabulabog ako sa aking mahimbing na pagtulog nang biglang tumunog ang aking celphone.. nasa highest level pa naman yung volume ng ringtone ko!... at naka set on vibration mode pa! halos mahulog nga ako sa kama nung marinig ko ang kantang "goodies" ni ciara eh! <yup! yan ang ringtone ko ngayon.. may angal?!> muntik ko na rin nga maibato ang celphone ko sa kabilang bahay tapos biglang sigaw ng "SUNOG!" eh! buti na lang napigilan ko yung sarili ko! phew!... okay, back to the story!... nang sagutin ko yung celphone ko, handa nakong sigawan ang kung sinumang nambulabog sa tulog ko kaso medyo bangag pako noon eh kaya nawalan ako ng gana.. hehe!.. sino ang "early birdie" <haha.. birdie!> na caller?... walang ibang kundi ang makulit at sobrang hyper na si myrtle velasquez na mas kilala bilang "apol" <fun facts: kaya po siya tinawag na apol, kasi ang nickname nung dalawa niya pang kapatid ay cherry at chico!... mukhang mahilig si mommy sa fruits ah! hehe..> tumawag siya para i-confirm kung pupunta ako kila jaicom nung araw na iyon... i know na dapat naghinala na ako nung mga oras na iyon kasi wala naman sinabi sa akin si lulet na kasama si apol sa lakad namin eh.. pero since medyo haggard pa nga ako nun at wala pa sa huwisyong magisip eh nag-agree na lang ako sa kung anumang questions niya sa akin... haha! another curious thing is when i texted junelle kung nasa kanya ba yung book <da vinci code> ko na hiniram niya at nagulat ako sa reply niya: "oo, dadalin ko nalang mamaya." hhmmmm... somethings fishy ah! nalanghap ko din ang lansa nito nang bigla na lang ako nilapitan nang gwapito kong kaklase na si herbert upang mag-sorry dahil wala daw siyang "letter" sa akin... last saturday nangyari yun nung may "alumni homecoming" daw sa siena college of taytay at invited daw kami.. haha! napakasayang alumni homecoming.. sa sobrang saya parang gusto mo nang umuwi na lang sa bahay niyo! <kaya ba tinawag na "homecoming" kasi you want to " come home" na lang kaysa pumunta sa school niyo?!> pagdating kasi namin dun nagulat kami kasi kami lang ang tao dun... bukod sa mga mangilan-ngilang "oldies" ay! "alumni" pala na nagpunta.., nung una dapat tututloy pa kami sa loob kaso nung makita namin sa registration form ang mga questions na...single or married? job/profession? name of spouse? at number of children.. ay bigla na kaming nagtatakbo papalabas ng building at sumumpang babalik lamang muli kapag mga doktor na kami at biniyayaan ng madaming anak! wahehehehe!...

3 pm daw kami magkikita-kita sa labas ng vista verde <yup! dyan nakatira sila jaicom> pero magmi-meet kami ni lulet sa brookside ng 2 pm nagpasama kasi ako sa kanya doon sa bahay nila joanna katanyag kasi kukunin ko yung clearance ko kay kamla na kapitbahay ni joanna.. <phew! haba nun ah! gets mo?!> pagkatapos namin kunin yung clearance ko, dumiretso na kami sa vista verde.. pero on the way dun nagtataka ako kasi ang tahimik ng dating napaka-kulit at talakerang lulet na kilala ko.. parang ayaw ako kausapin... tapos text lang siya nang text... pagdating namin sa vista verde, inaya ako ni lulet pumunta dun sa isang convenience store <"one shop" ang name nung store!> para magpalamig habang hinihintay namin sila apol... tapos after ilang minutes sinabi niya sa aki na nagtext si apol na nauna na daw sila sa bahay nila jaicom, kaya dumiretso na di kami dun..
pagdating namin doon, nagtataka ako kasi parang ang dami ko atang naririnig na boses sa loob.. pero ang inisip ko baka mga bisita lang yun nung kapatid ni jaicom kaya dedma lang ako sa kanila... pagbukas ng gate... charan!!
sobrang na-surprise ako kasi nandoon yung mga closest friends ko! halos lahat nang kaklase ko nung highschool nadoon!! sa sobrang gulat ko halos hindi ako makapasok ng gate! gumawa pa sila ng banner at scrap book para sa akin! meron din silang mga gifts at letters na binigay sa akin! gusto kong umiyak nung mga oras na yun pero hindi ko magawa dahil sa sobrang tuwa ko!... grabe talaga!

medyo nakakahiya nga lang kasi wala akong maibigay sa kanila kapalit ng mga binigay nila sa akin... hindi ko man lang sila napakain kasi wala akong dalang pera! <hindi ko naman kasi alam na isu-surprise nila ako noh!... kung sa bagay hindi na nga naman magiging surprise iyon kung sasabihin nila sa akin! hehe!> yan tuloy nauwi na lang kami sa fishballs, squidballs, kwekwek <na sobrang kunat!>, cheese sticks < na wala naman laman!>, at gulaman <na wala naman lasa at may halo pang buhangin!> ni manong.. pagkatapos namin kumain, kanya-kanya na kaming kwentuhan, harutan at walang humpay na piktyuran! pati nga sa paglalakad namin papuntang gate ng vista verde nagpipiktyuran pa din kme eh! haha!

umuwi akong pagod pero sobrang happy!.. at kahit na umulan nang malakas nung pag-uwi ko.. ayos lang! basta't alam kong meron akong mga tunay na kaibigan na palaging nandyan para sa akin.. kahit saan man ako mapunta...
 
sa aking pag-alis patungong japan... i can honestly say that i don't know when i'll be coming back... i don't even know if i'll be coming back at all... but there is one thing that i know.. that i will try my very best to come back home <yes, i still consider the philippines as my homeland> not only for myself, but also for the great friends that i'll be leaving here.. i just wanna say that no matter where i am i will forever treasure the friendships that i have made... i thank God for giving me the opportunity to meet such amazing and wonderful persons...
To all my friends... i don't need to mention each and everyone of you... you know who you are... if you consider me as your friend then know that i also consider you as mine... thank you for being part of my life... i'm gonna miss you guyz! Luv y'all!!

p.s.
special thanks nga pala kay fatima for the scrapbook you gave me! i'm so happy naging friends tayo... dahil kung hindi kita nakilala hindi ko rin madidiskubre ang mundo ng pagbo-blog! maraming salamat po! hayaan mo pagbalik ko bibilan na kita ng saging! hehe!
|